Unang Lunas/First Aid

Mga karaniwang pinsala sa pagkikilos o protesta.
The common injuries during a rally or protest.

Concussion

Dapat Gawin
- Suriin ang pasyente
- Kung sa tingin mo ay posibleng may pinsala sa leeg o gulugod, huwag igalaw
- Lagyan ng suporta ang leeg
- Gawin ang logroll technique sa pag lipat ng pasyente
- Kung nasusuka, suportahan na hindi ito mapunta sa baga o sa daanan ng hangin

- Alisin ang anumang dumi na nasa sugat
- Hugasang mabuti ang sugat
- Maaaring lagyan ng antiseptics
- Ingatan na hindi marumihan at madapuan ng langaw
- Bigyan ng antibayotiko

Unang Lunas sa Pinsala sa Ulo
- Pinsala sa Ulo >> pinsala sa balat, laman, buto o sa utak
Mga dapat gawin:
-Suriin ang pasyente
-Delikado: nawalan ng malay noong matamaan ang ulo, pagkalimot (short-term memory loss >> paulit ulit ang tanong), hindi magising ang pasyente, confusion, pagsusuka, pagkahilo, mataas ang BP, mabagal ang pulso
-Suriin ang ulo kung may pagdudugo o bali ang buto (malalim ang isang bahagi, dugo o tubig mula sa ilong o tenga, pantal sa mata o sa likod ng tenga)
-Hindi lahat ng walang makita sa pisikal nangangahulugang walang pinsala ang pasyente.

CPR (Cardio-Pulmonary Resuscitation)

Mga hakbang sa pagbibigay sa Unang Lunas
1. Tignan kung may malay ang pasyente.
- Kung meron pakalmahin siya.
- Kung walang malay, subukang gisingin.
- Kung magising pero hindi tama ang pagsasalita, isipin ang AEIOU-TIPS.

A - Alcohol
E - Epilepsy (disorder that causes seizures) or Exposure (heat stroke or hypothermia)
I - Insulin (diabetic emergency)
O - Overdose or oxygen deficiency
T - Trauma (shock or head injury)
I - Infection
P - Psychosis or poisoning
S - Stroke

Kung di magising, tingnan kung humihinga:
- Humihinga ng normal;
- o Nahihirapang huminga (?) - gawin ang CPR

Kung di humihinga, gawin and CPR (Cardio-Pulmonary Resuscitation)

Simulan ang pagbomba sa puso:
- Lumuhod sa harap ng pasyente.
- Ipatong ang iyong kaliwang palad sa kanang palad.
- Ilagay and mga kamay sa dibdib ng pasyente, sa bandang taas ng sikmura. (Siguraduhing derecho ang iyong likod at buong balikat at siko)
- Gamitin ang iyong bigat sa pagdiin. Ngayon, umpisahan na ang pagdidiin ng mabilis at malalim. (Kailangan ay lumubog ng 1.5 to 2 pulgada ang dibdib ng pasyente para siguradong may dadaloy na dugo sa kanyang katawan. Magbigay ng 30 na mabilis na pagdiin.)

Pagbibigay ng hangin:
- Itaas ang kanyang baba para nakatingala siya ng bahagya. Ito'y ginagawa para bumuka ang daanan sa paghinga.
- Isara ang ilong at magbuga ng 2 mabilis at malalim na hininga.

(Ulitin ang pagbomba sa puso at pagbigay hangin hanggang humihinga na ang pasyente o dumating na ang tulong medikal)

Biglaan Atake Sangi Ng Init (Heatstroke)

Dapat Gawin
- Dalhin ang pasyente sa malamig na lugar
- Ihiga ang pasyente
- Alisin ang damit para lumamig ang katawan
- Lagyan ng ice ang kilikili, singit at leeg
- Pwedeng lagyan ng kumot na basa sa malamig na tubig para palamigin ang pasyente

-Ito ang pagkawala ng sentro ng temperatura dahil sa matagal na pagkakalantad sa init.
-Palatandaan: tuyo, mapula at mainit na balat, mataas ang lagnat, malalim at mabilis ang paghinga, malubhang malubha o walang malay, coma o confusion.
-Kung hindi maagapan magiging sanhi ng kamatayan.

Heat Stroke vs. Heat Exhaustion

Heat Stroke
1. Mainit ang katawan
2. Tuyo ang balat

Heat Exhaustion
1. Normal ang temperatura ng katawan
2. Mamawis mawis at malamig ang balat

Pagkahilo (Dizziness or Nausea)

Dapat gawin
- Suportahan ang pasyente upang di siya mabuwal o mabagok
- Luwagan ang damit kung masikip
- Iayos ang pasyente sa posisyong kumportable
- Bigyan ng malaking lugar
- Palanghapin ng bagay na matapang ang amoy
- Subukang alamin ang sanhi ng pagkahilo
- Kung walang pagbabago sa loob ng 15 minuto, dalhin sa malapit na pagamutan

Pakiramdam ng pag-ikot o ang mga bagay sa kanyang palibot ang umiikot. Kadalasan ito ay may kasamang panghihina ng katawan, pagdidilim ng paningin, magaan na pakiramdam sa ulo, parang nasusuka at pagkatumba.

Labis na panghihina dahil sa init.

Matinding pagkahapo ng katawan na kung saan maraming tubig at asin ang nawala sa katawan sanhi ng labis na pagpapawis.

Ang palatandaan ay walang lagnat, nanlalamig ang balat, sobrang pamamawis, panghihina, mahina at mabagal ang pulso.

Shock

Dapat Gawin
-Tiyakin na humihinga ang pasyente.
-Alisin ang anumang nakabara sa lalamunan. Magsagawa ng artificial respiration kung hindi humuhinga ang pasyente.
-Luwagan ang suot na damit.
-Pigilin ang anumang pagdurugo.
-Ilagay siya sa SHOCK position.
-Iangat ng kaunti ang dalawang paa at lagyan ng kapirasong tela sa ilalim ng ulo niya. Kung may bali sa paa, lagyan muna ng balangkat ang lugar na may bali bago iangat ito.
-Maaari ding angatin ang dalawang paa ng 6 na pulgada mula sa lupa, ngunit huwag gagawin ito kung walang malay ang pasyente o kung may bali sa leeg o gulugod.
-Kung nahihirapang huminga ang pasyente, mas mainam na nakaupo siya nang kaunti.
-Kung walang malay o may pinsala sa ulo at mukha at posibleng magsuka, ilagay siya sa coma position.
-Pakalmahin ang loob niya.
-Bigyan ng gamot laban sa kirot o sakit; paracetamol 500mg tuwing ika-apat na oras kapag patuloy ang sakit.
-Lagyan ng balangkat ang lahat na baling buto
-Tiyakin na hindi nilalamig ang pasyente. Patungan ng kumot ang buong katawan. Palitan ang anumang kasuotan na basa ng pawis.
-Batayan and vital signs: BP, PR, RR, Temp
-Kung walang malay-tao ang pasyente, huwag papakainin o paiinumin kahit tubig.

Mga Palatandaan ng Shock
-Ang presyon ng dugo ay mas mababa sa normal. (Mas mababa pa sa 90/60)
-Bumibilis ang tibok ng puso pero mahina ang pulso. (Mahigit sa 100 pintig bawat minuto)
-Namumutla ang balat at labi o nangangasul ang labi at mga kuko
-Nanlalamig and mga palad at talampakan at pinagpapawisan
-Mabilis at mababaw ang paghinga. (Mahigit sa 40 bawat minuto)
-Nababalisa, nanginginig, nanghihina, o nawawalan ng malay-tao.
-Nauuhaw.
-Walang mailabas na ihi.
-Lumalaki ang balintataw ng mga mata.

Sugat (Wounds)

Pag-iwas sa impeksyon
- Anti-tetanus
- Antibiotics - ipinapahid e.g. Mupirocin ointment/iniinom e.g. Cefalexin
- Paglilinis - tubig at sabon, bayabas "decoction"

MGA URI NG SUGAT
1. Saradong Sugat (Pasa, "Contussion")
-Hindi nasira ang panlabas na bahagi ng balat subalit may pumutok na maliit na ugat sa ilalim nito. Mga palatandaan >> pagkirot, pamamaga, at pangangasul/pamumula

2. Bukas na Sugat
-Nasira ang balat. May pagdurugo at madaling magkaroon ng impeksyon

Classification of Open Wounds
-Hiwa
-Pilas
-Natusok/Nasaksak
-Gasgas
-Putok na sugat

3. Gasgas o Galos
-Isang mababaw na sugat lamang at walang masyadong pagdurugo
-Posible magkaroon ng impeksyon dahil sa dumi na bumaon dito
-Mahapdi dahil nasisira ang mga dulo ng nerbo na nasa balat

Dapat Gawin
-Pigilin ang pagdurugo
-Maaring lagyan ng Antiseptics (Betadine, Nilagang dahon ng bayabas)
-Panatilihing malinis ang sugat
-Takpan ng maluwag o maaring pabayaan lang nakabukas para matuyo

4. Putok na Sugat (Laceration)
- Isang bukas na sugat na hindi pantay ang gilid dulot ng mga matatalim na bagay na hindi pantay ang gilid tulad ng basag na bote.
- Maaring maging resulta ng malakas na palo o pagkabagok

Dapat Gawin
-Pigilin ang pagdurugo
-Hugasan ng tubig at sabon o antiseptic at takpan ng malinis na gasa o tela
-Dalhin sa pagamutan baka kailangan tahiin

5. Hiwa
-Sugat na makinis o pantay ang gilid dulot ng mga matalas na bagay tulad ng kutsilyo

Dapat Gawin
-Hugasan ng tubig at sabon
-Gumamit ng sterile na bulak at maligamgam na tubig sa paglilinis
-Kung maliit lamang ang sugat posibleng maisara ito ng butterfly bandage. Kung masyadong malaki, maaring kailanganin itong tahiin
-Isangguni sa mas nakakaalam upang mabigyan ng gamot
-Lagyan ng dressing

6. Tusok
-Kadalasang maliit pero malalim, dulot ng matulis na bagay tulad ng tinik o pako.

Dapat Gawin
-Mahalagang linisin ng mabuti ang sugat
-Pisilin para dumugo
-Bombahin ng agua oxigenada ang loob ng sugat
-Huwag takpan para mahanginan
-Huwag gagamitan ng butterfly bandage
-Desisyonan kung kailangan magpa "Anti tetano"

7. Pilas
-Ito ay kadalasang nangyayari sa mga daliri, kamay, paa, tainga, ilong
-Dulot ito ng kagat ng hayop, pagkakaipit sa isang makina, taga, o tama ng baril o granada
-Kasama dito ang pagkaputol ng parte ng katawan

Dapat Gawin
-Hugasan at sabunin
-Dalhin sa mas nakakaalam kung kailangan tahiin

KAPAG MARAMING SUGAT
-Suriin ng maigi ang pasyente.
-Unahin ang may pinakamalakas na pagdudugo at may dugong pulang pula at matingkad. (bright red)
-Kontrolin ang pagdugo sa isa isa.
-Gawin ang unang lunas para sa SHOCK. (iangat ang paa mas mataas sa puso at panatilihing kumportable ang pasyente)
-Gawin ang mga hakbang sa pagkontrol ng pagdugo.
-Gumamit ng torniquet lamang kung hindi madadala agad sa ospital ang pasyente.
-Ilagay ang naputol na daliri, kamay, paa o ari sa isang bag at ilagay ito sa ibabaw ng yelo. Huwag hugasan o ilagay sa tubig.